ZAMBOANGA SIBUGAY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya at militar ang dalawang guro na dinukot umano ng Abu Sayyaf sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Ayon sa ulat ng pulisya, anim na armado ang humila kina Russel Bagonoc, 22, at Reynadeth Silano, 34, sa Barangay Moalboal sa bayan ng Talusan nitong Huwebes. Sakay ng motorsiklo ang dalawang guro patungo sa paaralan ng sila ay harangin ng mga armado.
Pinilit ang dalawa na sumakay ng isang motorboat, ngunit hindi pa mabatid kung saan itinago o dinala ang mga bihag.
Agad naman itong kinondena ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines at umapela sa pamahalaan at awtoridad na iligtas angt dalawang kabaro.
“We hope that they are still safe at this point in time. We are saddened to hear reports of teachers being kidnapped in Zamboanga Sibugay. Once again, we condemn those persons who are responsible for these abductions that have victimized these dedicated public servants and resulted to the deprivation of hundreds of school children to education,” ani ng grupo sa pahayag na ipinadala sa Mindanao Examiner regional newspaper.
Walang umako sa pagdukot, ngunit nakatuon ang imbestigasyon ng pulisya sa grupo ng Abu Sayyaf. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News