
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 7, 2012) – Mahigit sa dalawang dosenang katao ang sugatan matapos na bumaligtad ang kanilang sinasakyan sa Zamboanga City.
Ayon sa pulisya ay galing umano sa Pagadian City ang sasakyan at karamihan sa mga pasahero nito ay dumalo sa isang information caravan na isinusulong ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation ukol sa Framework Agreement na nilagdaan nuong nakaraang buwan lamang.
Sa imbestigasyon na ng mga awtoridad ay lumalabas na nawalan ng kontrol ang driver sa minamaneho kung kaya’t tumagilid ang sasakyan kamakalawa ng gabi sa kalakasan ng ulan.
Walang naman inulat na kritikal o grabe maliban sa driver nito.
Ang Framework Agreement ay ang unang kasunduan na nilagdaan ng pamahalaang Aquino at ng rebeldeng grupo na siyang ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao na kinabibilangan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao at Lanao del Sur, gayun rin ang lungsod ng Isabela at Marawi.(Mindanao Examiner)