
BASILAN – Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang dalawang lalaki na umano’y nasa likod ng pamamaril sa tatlong katao sa Lamitan City sa Basilan, isa sa limang lalawigan sa ilalim ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi ng pulisya na niratrat ng mga salarin si Barangay Chairman Franklin Tan at nahagip rin nito ang dalawang sibilyan sa naturang lugar ng atakihin nito kamakailan ang opisyal ng Barangay Seaside.
Nakatayo lamang sa labas ng tindahan si Tan ng ito’y lapitan ng mga salarin at saka binira. Agad naman tumakas ang mga armado sakay ng kanilang motorsiklo. Sugatan si Tan at ang dalawang biktima na nakilalang sina Joseph Sumalpong at Myrna Sali.
Nabawi naman ng pulisya sa lugar ang maraming basyo ng .45-caliber pistol. Hinihinalang mga gun-for-hire ang dalawang salarin. Kaliwa’t-kanan ang patayan sa Isabela at ibang bahagi ng Basilan dahil sa naglipanang mga gun-for-hire. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net