
ZAMBOANGA SIBUGAY – Dalawang lalaki ang patay sa hiwalay na pamamaril sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay at nag lunsad na rin kahapon ng operasyon ang pulisya upang madakip ang nasa likod ng karahasan.
Sinabi sa Abante ni Insp. Dahlan Samuddin, ang spokesman ng regional police headquarters, na patuloy ang imbestigasyon sa dalawang kaso. “Ongoing pa yun investigations natin, pero at the same time ay hinahanap ng ng kapulisan natin yun mga suspects ditto sa dalawang shooting incidents sa Sibugay,” ani Samuddin.
Isa sa mga suspek ay barangay council ng bayan ng Payao na si Sambre Jammang na pumatay diumano kay Robin Inclan kamakalawa ng gabi. Nakaupo lamang si Inclan sa labas ng bahay ng tiyuhin ng ito’y lapitan ni Jammang at saka pinaputukan ng paulit-ulit gamit ang .45-kalibre pistol.
Tumakas rin si Jammang matapos ng atak Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang.
Sa bayan naman ng Kabasalan ay pinatay rin ng tatlong kalalakihan na sakay ng motorsiklo si Gilbert Mayagman, 33, sa Barangay Timuay Danda. Sakay ng motorsiklo si Mayagma kasama ang kaibigan na si Romel Gonzaga, 18, ng ito’y birahin ng isa sa mga suspek.
Nakatakas rin ang mga kriminal kahit na di-kalayuan ang himpilan ng pulisya. Nabawi naman ng mga parak ang 5 basyo ng bala mula .45-kalibre pistol at isang baril at dalawang magazine na puno ng bala mula sa biktima. Wala pang motibo ang pulisya sa krimen. (Mindanao Examiner)