
TACURONG CITY (Mindanao Examiner / Mar. 30, 2014) – Patay ang dalawang lalaki na kilala umanong mga notoryosong magnanakaw dito matapos silang tirahin ng mga di-kilalang salarin.
Hinila naman ng pulisya na posibleng onsehan sa hatian ng mga nakulimbat ang dahilan ng pagpaslang kina Rendel Panes, 19, at Balong Antonio, 20.
Sinabi naman ni Superintendent Junny Buenacosa, ang hepe ng pulisya, na kasalukuyang iniimbestigahan ang pamamaslang upang mabatid kung sino ang nasa likod nito.
Ayon kay Buenacosa ay maging ang pahayag ng mga magulang ng mga biktima ay masyadong lihis sa kanilang ginagawang pagsisiyasat sa krimen, bagamat hindi pa rin nila inaalis ang ilang anggulo sa naturang pagpatay sa dalawa. (Dado Diaz)