NORTH COTABATO – Mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang mga menor de edad at apat na iba pang miyembro umano ng sindikato sa inilatag na drug buy-bust operation sa Purok 13B sa General Santos City.
Sinabi ni Senior Insp. Oliver Pauya, ng City Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group, ang anim na suspek ay nahuli kamakalawa, ngunit dalawang iba naman ang nagawang makatakas mula sa mga otoridad.
Kasalukuyan nang nakapiit sa Fatima Police Station ang mga suspek habang ang dalawang menor de edad ay na-turn over na sa Department of Social Welfare and Development at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Narekober ang mahigit 120 grams at dalawang motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek sa kanilang iligal na aktibidad, ayon pa sa opisyal. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper