
COTABATO CITY – Lingid umano sa kaalaman ng Moro Islamic Liberation Front ay dalawang miyembro nito ang siyang nagsilbing impormante ng Special Action Force at siyang nagturo kung saan nagtatago si Malaysian bomber Zulkifli bin Hir alias Marwan sa Maguindanao province.
Sa dalawang impormante rin posibleng mapunta ang $5 bounty na alok ng Estados Unidos sa ulo ni Marwan. Kasama rin umano ang dalawa na nakasuot ng uniporme ng SAF sa nasabing operasyon na inilunsad nitong Enero 25 sa Barangay Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano.
Walang ibinigay na anumang pahayag ang MILF ukol sa naturang ulat na inilabas ng GMA News, ngunit si Marwan ay napatay sa isang kubo sa kuta mismo ng dating rebeldeng grupo na lumagda ng peace agreement sa pamahalaang Aquino noon nakaraang taon.
Nabatid na mismong ang Intelligence Group ng Philippine National Police ang siyang nag-recruit sa dalawang impormante na ngayon ay nasa isang safe house na.
Sa kabila ng tagumpay ng SAF na mapatay si Marwan ay 44 commandos naman ang nagbuwis ng kanilang buhay sa nasabing operasyon matapos na mabangga ang malaking puwersa ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang papatakas mula sa kubo ng terrorista bitbit ang pinutol na daliri nito na siyang naging basehan ng DNA analysis ng Federal Bureau of Investigation. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News