
DAVAO CITY – Dalawang rebeldeng New People’s Army ang kumpirmadong nasawi sa sagupaan nito sa militar sa Surigao City sa Mindanao.
Walang inulat na casualties sa panig ng mga sundalo sa ilalim ng 30th Infantry Battalion, ngunit ipinag-utos naman ng 402nd Infantry Brigade sa tropa ang pagtugis sa NPA.
Natiyempuhan umano ng isang army patrol ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Mat-i kamakalawa kung kaya’t nagkaroon ng labanan doon. Nabawi rin ng mga sundalo ang dalawang M16 automatic rifles mula sa nasawing mga rebelde.
Walang inilabas na anumang pahayag ang NPA ukol sa casualties nito, ngunit ilang beses na rin nagbanta ang naturang grupo na mas paiigtingin pa nito ang kanilang opensiba laban sa pamahalaan.
Matagal nang nakikibaka ang mga rebelde upang maitatag ang sariling estado sa bansa sa kabila ng paulit-ulit na peace talks na kadalasan ay nauuwi sa wala dahil sa mga hinihinging demands ng komunistang grupo sa pamahalaan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net