COTABATO CITY – Patay ang dalawang katao at sugatan ang isa pa matapos na sumambulat ang isang granada sa loob ng bahay sa bayan ng Banisilan sa North Cotabato province sa Mindanao.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi sa pangalan Benji at Tata at ang sugatan na si Cocoy Alado na ngayon ay nasa pagamutan pa rin dahil sa tinamong sugat sa katawan. Ayon sa pulisya ay posibleng pinaglalaruan ng mga biktima ang granada kamakalawa ng gabi at sumabog ito.
Hindi malinaw kung nagiinuman ang magkakaibigan ng maganap ang pagsabog sa dakong kusina ng bahay.
Nais umanong alamin ng pulisya sa survivor kung saan galing ang granada at kung bakit ito nasa kanilang bahay. Hindi pa makunan ng pahayag ang biktima dahil sa kondisyon nito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News