Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • 2 patay sa pamamaril Zambo Sur
  • Uncategorized

2 patay sa pamamaril Zambo Sur

Editor July 24, 2014
PNP-2-copy3

PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / July 24, 2014) – Dalawang katao ang patay at isa ang sugatan sa hiwalay na pamamaril sa Zamboanga del Sur province sa western Mindanao.

Sinabi ng pulisya na pinaslang ng di-kilalang salarin si Simeon Monsanto, 56, at sugatan naman ang anak nitong babae na 11-taon gulang lamang matapos ratratin ng di-kilalang salarin ang ama at nahagip ng bala ang babae sa kanyang dibdib.

Naganap ang atake sa loob ng kanilang bahay sa Purok 6 sa bayan ng Mahayag bago maghating-gabi nitong Miyerkoles. Hindi pa mabatid ang motibo o kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Sa bayan naman ng Sominot, isang albularyo naman ang pinaslang sa Barangay Barubuhan ng di-kilalang armado Miyerkoles rin ng gabi. Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Damaso Andales, 55.

Binaril si Andales sa labas ng bahay ni Trinidad Superales na kung saan ay doon ito natutulog at mabilis naman na tumakas ang salarin. Ayon sa pulisya ay posiboleng homemade shotgun ang ginamit sa pamamaslang dahil sa tama ng biktima sa kanyang braso at dibdib.

Walang umako sa dalawang pamamaslang at sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na patuloy pa rin hanggang ang pagsisiyasat ng awtoridad sa naturang karahasan.

“Ongoing pa yun investigation natin sa Zambo Sur at hindi pa natin alam ang motibo at kung sino ang nasa likod nito,” ani Samuddin sa Mindanao Examiner.

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Mindanao peace process ‘in great peril’ – Ucan News
Next: Letters to the Editor: Dear Mr. President Aquino

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.