
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Nov. 17, 2012) – Hawak na ng mga awtoridad ang dalawa sa umano’y opisyal ng Aman Futures, na siyang nasa likod ng P12-bilyong investment scam sa Pagadian City sa Mindanao matapos na sumuko sa takot na mapatay ng kanilang mga naloko.
Naunang pinatay ng mga di-kilalang armado ang isang broker ng Aman Futures na si Anwar Zainal matapos itong dukutin kamakailan sa Pagadian City. Si Zainal ay natagpuan may tama ng bala ng baril sa dibdib sa loob ng kanyang kotse sa kalapit bayan ng Tambulig sa Zamboanga del Sur.
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police na nasa pangangalaga na nila si Maria Donna Coyme, ang tumatayong financial manager ng Aman, at si Jacob Razuman, na isa sa mga brokers ng kumpanya.
Inamin ni Coyme na umabot sa mahigit kalahating bilyong piso ang naproseso nito sa Aman bago tuluyang mag collapse ang kumpanya. Nais umano ni Coyme na maging state witness laban sa iba pang mga sangkot sa scam na kung saan ay sa Pagadian City sa Zambvoanga del Sur province nagmula nitong Pebrero.
Sa ulat naman ng GMA News ay inamin rin ni Coyme na kabilang sa mga investors ng scam ay si Pagadian City Mayor Samuel Co at umano diumano sa P30 milyon ang inilagay ng pulitiko sa Aman at nag-recruit pa ng ibang mga kliyente.
“Coyme also alleged that Pagadian City Mayor Samuel Co invested around P30 million in Aman Futures Group and even referred investors to the company. She also said Co distributed checks from Amalilio,” ayon pa sa ulat ng GMA.
Idinagdag pa ng ulat na itinanggi ni Co na may kinalaman siya sa scam at sa halip ay biktima rin umano. “In a separate report, Co denied being involved in the scam, saying he himself is a victim. He also said he only invested P5 million — and not P30 million as Coyme said — and that he used his own money,” wika ng GMA News.
Napabalita rin sa Pagadian na si Co mismo ang nagbibigay ng mga tseke sa mga investors na umano’y galing sa Aman Futures, ngunit lahat ng ito ay nagtalbugan rin. Hindi naman mabatid kung bakit mismong si Co ang namahagi ng mga tseke sa kasagsagan ng paghahanap sa mga nasa likod ng scam.
Nauna ng ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government na imbestigahan ang financial status ng Internal Revenue Allotment ng mga local government units sa Western Mindanao at sa Lanao provinces upang mabatid kung nagamit ang pondo ng pamahalaan bilang puhunan sa scam.
Sinabi naman ni NBI Pagadian chief, Atty. Alex Caburnay na sasampahan nito ng kaso ang lahat ng may kinalaman sa scam na mas kilala bilang Ponzi scheme. “As long as they are one or another connected with this swindling scheme they will be charged (in court),” ani Caburnay.
Ayon naman kay Supt. Romero Magsalos, ang provincial police chief ng Lanao del Sur, ay hawak na nila si Razuman matapos itong sumuko at humingi ng proteksyon sa kanila sa Marawi City.
“Ang ginagawa natin ngayon eh dahil nga sa voluntary custody na hinilining niya eh naglagay tayo ng pulis na nagbabantay doon sa kanya,” wika ni Magsalos.
Tahimik naman umano ang Marawi, ngunit inamin ni Magsalos na mataas ang tensyon ngayon dahil sa mga galit na galit na mga nagoyo ng Aman Futures.
“Although relatively peaceful pero may word is very volatile (at) ang ibig sabihin (nito ay) hanggang naniniwala sila na maibabalik sa kanilang ang pera nila eh andoon ang hope at yun feeling na maghintay,” ani Magsalos.
Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si Malaysian national Manuel Amalillo na siyang utak ng Ponzi scheme at ang Pinoy na kakonsaba nito na si Fernando Luna.
Kamakailan lamang ay sinibak na rin sa puwesto ang hepe ng pulisya sa Zamboanga del Sur na si Sr. Supt. William Manzan at ang hepe ng pulisya sa Pagadian City na si Sr. Supt. Kenneth Mission, dahil sa kanilang kapabayaan at kabiguan na umaksyon sa naturang scam kahit alam nilang large scale swindling ang mga ito.
Maging ang 21 mga parak sa lalawigan at lungsod ay sinibak na rin matapos na mabatid ng pulisya na investors rin ang mga ito sa Aman Futures. Sinabi pa ni Regional police chief Napoleon Estilles na nagsisilbing escorts pa ang mga parak kina Amalillo at Luna.
Isasalang naman ni Estilles sa re-training ang mga nasibak na parak at opisyal, ngunit nais naman ng mga mga nagoyo ng scam na kasuhan at tanggalin sa serbsiyo ang lahat ng mga parak.
Pumutok sa Pagadian City ang nasabing scam at agad na kumalat ang balitang malaki ang interest na ibinibigay nito sa mga investors. At sa loob lamang ng dalawang linggo ay tumataginting na 50% agad ang tubo ng salaping ipinundar sa nasabing money trading scam.
Sinabi ng ilang ay nagbibigay umano ng 31% hanggang 50% tubo sa loob lamang ng dalawang lingo sa investors ang mga nasa likod ng money trading business na nagsimula ngayon taon lamang.
Ngunit kalat na rin ang reklamo ng ibang mga investors na pumapalya na umano ang pagbabayad sa kanila sa oras at dahil dito ay natatakot ang karamihan na posibleng gumuho ang nasabing trading scheme.
Madalas umanong ikinakatwiran ng mga nasa likod ng investment trading na matagal umano ang proseso ng pagpasok ng pera sa bansa at hinihintay na lamang ang papeles mula sa Securities and Exchange Commission. Ngunit sinabi ng SEC na walang pahintulot ang nasa likod nito na magsagawa ng investment trading – sa bansa o sa abroad.
Ngunit nabigyan umano ito ng permiso mula sa tanggapan ng Office of the City Mayor sa Pagadian. At maging mga pulitiko ay nakinabang ng malaki sa mga unang buwan ng naturang raket, ngunit karamihan sa kanila ay binawi na rin ang mga investments at malaking tubo na kinita sa scam.
Sa panayam naman ng Mindanao Examiner sa ilang mga na-onse sa Ponzi scheme ay sinabi nila na dalawang teacher ang nagpakamatay dahil sa matinding depression na sinapit mula sa scam.
Naubos umano ang lahat ng ari-arian ng mga ito ng ibenta ang lupa at bahay at mangutang ng malaking halaga upang mailagak sa investment trading, subalit lahat ng puhunan ay parang bulang nawala kasabay ng kanilang pangarap na guminhawa.
Sinabi pa ng isang nagpakilalang Michael na tatlong katao rin ang nasiraan ng bait at ngayon ay nasa pagamutan sa Pagadian. Naubos rin umano ang mga ari-arian nila at pati mga lupang minana pa sa mga magulang ay naibenta rin upang magamit na capital sa Aman.
Naunang nagbabala ang Department of Trade and Industry ukol sa scam subali’t marami pa rin ang nahumaling sa pangako ng malaking kikitaoin sa Aman Futures.
“Maraming beses na namin sinabi sa publiko na mag-ingat sa kanilang mga transaksyon,” ani Maria Socorro Atay, ang provincial director ng ahensya sa Pagadian City.
Pati mga vendors at tricycle drivers at maging isang television reporter mula sa Zamboanga ay naloko rin ng scam.
Nanawagan naman ang pulisya sa mga naloko ng investment trading na magsadya sa awtoridad upang makapaghain ng kanilang reklamo.
“Marami ng yumaman at marami ang naging milyonaryo dito sa Pagadian City dahil sa investment trading na yan. Maraming pera ang mga tao ngayon dito at lalong dumarami ang mga bagong nagiinvest kasi malaki ang tubo ng pera,” wika naman ni Rick Santiago, ngunit hindi naman nito sinabi kung may inilagak siyang salapi sa nasabing investment.
Ang naging modus operandi ng kumpanya ay hikayatin ang mga nais na maglagay ng pera sa overseas trading at patubuan ito ng malaking porsyento. Ngunit halos kapareho nito ang binansagang “Ponzi scheme,” isang scam na pumutok nuong 1920s at ginaya ng mga sindikato mula sa ibat-ibang bansa na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin.
Ang investment trading sa Pagadian ay halos kapareho diumano ng Ponzi scheme at ang malaking tubo na ibinibigay sa mga investors ay galing rin sa salapi ng mga bago o ibang investors.
At hanggang may mga investors ay patuloy ang pasok ng salapi, subali’t kailangan ay mas maraming mga bagong investors ang papasok upang masigurong hindi kukulangin sa pondo ang kumpanya para maibayad sa malaking halaga ng interest.
Ang Ponzi scheme ay hango sa pangalan ni Charles Ponzi, ayon sa Wikipedia.
“The scheme is named after Charles Ponzi, who became notorious for using the technique in 1920. His operation took in so much money that it was the first to become known throughout the United States. Ponzi’s original scheme was based on the arbitrage of international reply coupons for postage stamps; however, he soon diverted investors’ money to make payments to earlier investors and himself,” paliwanag pa ng online encyclopedia.
Ayon pa sa Wikipedia: “A Ponzi scheme is a fraudulent investment operation that pays returns to its investors from their own money or the money paid by subsequent investors, rather than from profit earned by the individual or organization running the operation. The Ponzi scheme usually entices new investors by offering higher returns than other investments, in the form of short-term returns that are either abnormally high or unusually consistent. Perpetuation of the high returns requires an ever-increasing flow of money from new investors to keep the scheme going.”
“The system is destined to collapse because the earnings, if any, are less than the payments to investors. Usually, the scheme is interrupted by legal authorities before it collapses because a Ponzi scheme is suspected or because the promoter is selling unregistered securities. As more investors become involved, the likelihood of the scheme coming to the attention of authorities increases.” (Mindanao Examiner)