
MAGUINDANAO PROVINCE – Patay ang 2 sundalo ng isang pagamutan sa Maguindanao province matapos silang ratratin ng mga di-kilalang salarin at agad naman inginuso ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na siyang nasa likod ng atake.
Nabatid na pumasok ang dalawang salarin nitong gabi ng Miyerkoles sa naturang pagamutan sa bayan ng Datu Hoffer at sinabing bibisita lamang sa kanilang pasyente at ng makalagpas sa mga sundalo ay agad itong tinutukan ng baril at mabilis na dinis-armahan ng M16 rifles.
Ang M16 rifles ang siya rin ginamit ng mga salarin sa pagpatay sa dalawang sundalo ng army. Ayaw naman ilabas ng 6th Infantry Division sa Maguindanao ang pangalan ng dalawang sundalong napatay.
Mabilis rin tumakas ang mga salarin at nawala sa kadiliman. Wala naman inulat na nasakatan sa mga sibilyan sa pagamutan. Bagamat walang umako sa atake ay ibinintang naman agad ng militar ang krimen sa BIFF na nakikibaka para sa kalayaan ng mga Muslim sa Mindanao.
Wala rin pag-amin ang BIFF sa naganap na pamamaslang sa pagamutan. Kamakailan lamang ay dalawang sundalo rin ang pinatay ng mga di-kilalang armado sa labas ng simbahan sa bayan ng Datu Piang at isa pang sundalo sa palengke ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao pa rin. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net