
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 1, 2012) – Dalawang katao ang patay matapos silang malibing ng buhay kahapon sa isang quarry site sa Zamboanga City na kung saan ay kumukuha ang mga ito ng filling materials.
Kinalala ng pulisya ang mga biktima na sina Roderick Cabugsa at Miguel Gamorez at ayon sa mga awtoridad ay natagpuan na ang kanilang mga bangkay.
Nabatid na abala ang dalawa sa paghahakot ng mga lupa sa Barangay San Roque dakong tanghali ng biglang gumuho ang lupa at matabunan sina Cabugsa at Gamorez, ayon sa pulisya.
Hindi naman mabatid kung bakit gumuho ang lupa, subalit ilang araw na rin ang ulan sa Zamboanga at posibleng lumambot ang lupa kung kaya’t bumigay ito dahil sa bigat. Wala rin karatula na nagsasabing delikado ang naturang lugar.
Ayon sa pulisya ay may kasamahan na dalawang helper na pawang mga teenager sina Cabugsa at Gamorez, ngunit wala naman ito sa hukay ng maganap ang trahedya, subali’t nakita umano nila kung paanong gumuhon ang naturang lugar at malibing ang dalawang mag-kaibigan. (Mindanao Examiner)