KIDAPAWAN CITY – Tatlong katao ang nasawi matapos na sumalpok kahapon ng umaga ang kanilang Bongo truck sa mas malaking Coca-Cola truck na nagdedeliver ng soft drinks sa highway ng Koronadal City sa Mindanao.
Ayon sa mga ulat, nakilala ang mga biktima na sina Marco Fernando at Bonileo Vicente na pawang mga taga-Zamboanga City; at si Vicente Santos na tubong-Ilaga sa Isabela province.
Nabatid na may kargang mga daing at tuyo ang nasabing Bongo truck ng ito’y sumalpok sa papasalubong na truck na minamaneho ni Johnny Retardo – mula sa bayan ng Malalag sa Davao del Sur – na sugatan rin sa aksidente.
Halos mayupi naman ang harapan ng Bongo truck dahil sa malakas na pagkakasalpok nito at dead on the spot ang mga biktima na naiipit sa unahan ng kanilang sasakyan.
Nabatid na sumabog umano ang gulong ng Bongo truck kung kaya’t nalihis ito at sumalpok sa truck. Kinailangan pa ng crane upang matanggal ang malaking truck na umipit sa driver at kasamahan nito sa Bongo truck. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates