Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • 2,000 blasting caps nasabat sa Zambo
  • Uncategorized

2,000 blasting caps nasabat sa Zambo

Editor September 26, 2014
Blasting-2Bcaps
 Ilan lamang ito sa mga uri ng blasting caps.
ZAMBOANGA CITY – Dalawang lalaki ang dinakip ng militar at pulisya matapos nilang kunin ang isang bagahe na may lamang 2,000 blasting caps sa isang barko na galing pa sa bayan ng Jolo sa Sulu province.

Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na inaabangan na ng mga awtoridad sa Zamboanga City ang pagdating ng barkong MV Magnolia Lili Flora matapos na makatanggap ng intelligence report ang militar na may lulang pampasabog ito.

Hindi pa umano agad kinuha ng dalawang lalaki na nakilalang sina Almuksin Amilussin at Saud Arnado ang bagahe ng dumating ang barko nitong Miyerkoles at sa halip ay kinabukasan pa ito binalikan sa pangambang matitiktikan sila ng mga awtoridad.

Itinago pa umano ang bagahe – na balot sa packaging tape – sa pilot house ng nasabing barko, subali’t hindi naman agad mabatid kung paanong nakalusot ito sa mga awtoridad sa Jolo.

Nahaharap sa kasong illegal possession of explosives ang dalawang lalaki na ngayon ay iniimbestigahan pa rin kung may koneksyon sila sa Abu Sayyaf. Kalimitang gamit ng mga rebeldeng grupo ang blasting caps sa paggagawa ng bomba at kalimitan rin sa mga illegal fishing sa Mindanao. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Slow Internet speed, poor telco services under scrutiny
Next: NPA claims new offensives in Davao City

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.