KIDAPAWAN CITY – Patay ang 23-anyos na drayber ng motorsiklo matapos itong masangkot sa aksidente sa hughway sa Barangay Binoligan sa Kidapawan City sa North Cotabato province.
Kinilala ang biktima na si Jessie Lacsento Lapisigue na residente ng Purok 7, Ecoland, Davao City.
Kuha ni John Largo.
Sa impormasyong nakarating kay Superintendent Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City police office, nabatid na dakong alas 11:00 ng umaga nitong Sabado nang sumalpok si Lapasigue na sakay ng kanyang motorsikl sa isang kotse .
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, iniwasan umano ng kotse ang isang aso na tumawid sa highway kaya nawalan na ito ng kontrol at nabundol nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Lapasigue na naipit pa sa puno. Sa lakas ng impact ay patay noon din ang biktima.
Sugatan naman ang drayber ng kotse ngunit hindi naman inilabas ng pulisya ang pangalan nito habang pa patuloy pa ang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)