
TACURONG CITY (Mindanao Examiner / Mar. 29, 2014) – Tatlo umanong drug user ang natimbog ng pulisya sa Tacurong City sa Mindanao sa panibagong operasyon na isinagawa ng mga awtoridad kontra droga.
Tiniyak naman ni Superintendent Junny Buenacosa, ang hepe ng Tacurong City Police Office, na mas paiigtinging pa nila ang kampanya laban sa droga dahil na rin sa kooperasyon ng publiko. Ang suporta ng publiko ang siyang nagbibigay umano ng inspirasyon sa pulisya upang gampanan ang kanilang misyon na masugpo ang salot sa kabataan, ani Buenacosa.
Nakilala naman ang mga nadakip na sina Dominador Dolor, Jr., Nasser Minandang, na diumano’y dating kasapi ng 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front, at Tahir Utto.
Sinabi naman ni Inspector Roel Vallena Abejero, ang hepe ng mga operatiba sa Tacurong, na magsasagawa pa sila ng mga operasyon kontra droga at nanawagan sa publiko na ipagbigay sa kanila ang anumang impormasyon na may kinalaman sa mga nagtutulak at gumagamit ng droga dito. (Dado Diaz at Rosemarie Muneza)