
ZAMBOANGA CITY – Tatlong katao ang inaresto ng pulisya sa Zamboanga City matapos silang mahulihan ng mga armas at granada sa isang bahay.
Nakilala ang tatlo na sina Novel, 42; at Elmer Bantillan, 36; at Allan Millalos, 39; na siyang may-ari ng bahay sa Barangay Pasonanca. Nabatid na parehong gunsmith ang magkapatid na Bantillan at ginamit lamang ang bahay ni Milalios upang inspeksyunin ang mga armas na iniwan naman ng dalawang customer.
Kabilang sa mga nakumpiska ng pulisya sa raid kamakalawa ng gabi ay ang dalawang .45-caliber pistol, isang KG9 machine pistol, isang .38-caliber revolver, granada at sari-saring mga bala.
Sinabi ng tatlo na iniwan lamang ng mga customer ang naturang armas upang ipasuri. Hindi naman mabatid kung konektado sa mga rebeldeng grupo ang dalawang customer na nag-iwan ng mga baril at ayon sa pulisya ay kasalukuyang iniimbestigahan ang mga nadakip. (E. Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper