
Nakilala ang mga natanggal sa puwesto na sina Senior Inspector Hoover Antonio at Chief Inspector Samuel Cadungon at Leo Sua. Kinumpirma naman ito ni Philippine National Police spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo.
Ang pagkakasibak sa tatlo ay base na rin sa isinagawang imbestigasyon ng pamunuan ng pulisya sa lungsod na kung saan ay talamak ang nasabing illegal gambling.
Matatandaang ilang beses na rin nagbabala si PNP chief Nicanor Bartolome sa mga parak ukol sa mahigpit na kautusan nito na itigil ang lahat ng uri ng illegal gambling sa bansa. (Mindanao Examiner)