
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Oct. 5, 2012) – Tatlong katao ang sugatan matapos silang hagisan ng granada di-kalayuan sa isang detachment ng militar sa bayan ng Pikit sa North Cotabato province sa Mindanao.
Sa ulat ng militar ay kinilala nito ang mga biktima na sina Gilbert Berdida, Bang Conihan at Rey Tuwero. Naganap ang pagsabog gabi ng Huwebes sa Barangay Batulawan. Bumababa lamang ng tatlo sa sinakyang tricycle ng sumabog ang granada.
Hindi naman agad mabatid kung ano ang motibo ng atake at kung may kinalaman ba ito sa family feud o clan war. Walang umako sa pagsabog at wala rin maibigay na pahayag ang mga residente sa lugar.
Inaalam naman ng pulisya kung napagkamalang mga sundalo o CAFGU militias ang tatlong biktima. (Mindanao Examiner)