BASILAN – Tatlong sundalo ang sugatan matapos silang tambangan ngayon Miyerkoles ng mga hinihinalang Abu Sayyaf sa bayan ng Maluso sa Basilan, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa pulisya, unang niratrat ng mga armado ang 2 sundalo ng 14th Special Forces Company sa Barangay Townsite dakong alas 3.30 ng madaling araw.
Sinundan naman ito ng isa pang atake sa military truck na magdadala sana sa dalawang sugatan sa pagamutan, ngunit nadagdagan pa ito ng isang sundalo na nahagip ng bala.
Hindi naman inilabas ng Western Mindanao Command ang mga pangalan ng mga biktima, ngunit naganap ang ambush kasabay ng mahigpit na seguridad na pinaiiral ng militar sa kapistahan kahapon sa naturang bayan.
Nasa Basilan Community Hospital sa Isabela City ang mga sugatan. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper