COTABATO CITY – Binaha ang malaking bahagi ng South Cotabato, Sarangani at Maguindanao dahil sa patuloy pag-ulan sa Mindanao at 3 katao ang inulat na nasawi at ilang tulay ang nawasak.
Nabatid na Matindi ang naging pagbaha sa bayan ng Tupi sa South Cotabato na kung saan ay natagpuan ang bangkay ng dalawa matanda sa kanilang kubo na niragasa ng landslide sa Barangay Bonao. Hindi pa makilala ang isang biktima na nasawi naman sa Barangay Lunen.
Hindi na rin umano madaanan ang mga tulay sa Koronadal, partikular sa Barangay Namnama at Concepcion kung kaya’t nagbabala ang lokal na pamahalaan sa mga motorista na mag-ingat sa baha.
Apektado na rin ang maraming pamilya sa bayan ng Glan sa Sarangani dahil sa matinding pagbaha matapos na umapaw ang ilog doon sanhi ng malakas na buhos ng ulan. Ito rin ang problema sa Maguindanao at lubog na rin sa baha ang maraming sakahan doon.
Hindi naman agad mabatid sa Department of Social Welfare sa mga lugar kung paano nilang tutugunan ang problema sa kakulangan sa pagkain at pansamantalang shelter ng mga nasalanta ng baha. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News