
Kinilala naman ng PDEA ang mga suspek na sina Shandra Jo, 18; Mudzna Agil, 43; at Salvador Nur, 20. Nabawi sa mga ito ang 50 gramo ng shabu matapos na bentahan ang mga poseur-buyer ng PDEA sa ‘red light district’ ng Governor Camins Avenue kamakailan lamang.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang tatlo at ang dahilan kung bakit sila nagtutulak ng ipinagbabawal na droga. Ngunit talamak ang problema ng droga sa Zamboanga City at halos hirap rin ang PDEA sa kanilang operasyon sa buong rehiyon ng Western Mindanao dahil sa kakulangan ng tao.
Umaasa na lamang sa tulong ng mga residente ang PDEA upang maitimbre ang mga nagbebenta ng shabu sa Zamboanga City . (Mindanao Examiner)