
MAGUINDANAO – Apat na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, kabilang ang isa na naka-uniporme ng SAF, ang napatay ng militar sa patuloy na opensiba ng pamahalaan sa rebeldeng grupo sa Maguindanao province sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi ngayon ni Capt. Jo-ann Petinglay, ang spokeswoman ng 6th Infantry Division, na isa sa mga napaslang na rebelde ay suot pa ang uniporme ng Special Action Force mula sa isa sa 44 napatay na police commandos sa bayan ng Mamasapano noon Enero 25.
Nabawi rin umano ng mga sundalo ang isang mortar bomb at mga armas mula sa napaslang na mga rebelde sa naturang bayan. Ipinag-utos naman ni General Edmundo Pangilinan, ang division commander, ang mas pinaigting na opernsiba kontra BIFF na ngayon ay watak-watak at nasa bayan ng Datu Piang at Mamasapano.
“General Pangilinan ordered troops to pin down the engaged BIFF forces that are now constricted in different encounter areas in Mamasapano and Datu Piang towns in Maguindanao,” ani Petinglay sa Mindanao Examiner regional newspaper.
Mahigit na umano sa dalawang dosena ang napapatay sa hanay ng BIFF sa mga nakalipas na araw, ngunit mahigit rin sa isang dosena rin ang sugatan sa panig ng militar.
Naglunsad ang militar ng all-out offensive kontra BIFF na isang breakaway group naman ng Moro Islamic Liberation Front na lumagda ng peace accord sa pamahalaang Aquino noon nakaraang taon. Ipinaglalaban naman naman ng BIFF ang kalayaan ng mga Muslim sa Mindanao, subalit sabit naman ito sa maraming pambobomba sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon.
Tinatayang nasa 300 ang miyebro ng BIFF at karamihan ay magkakamag-anak. (Mark Navales)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News