DAVAO CITY – Isang operasyon ang ikinasa ng pulisya matapos na makapuga ang 4 bilanggo sa Tagum City sa Mindanao habang inihahanda naman ng liderato nito ang pagsasampa ng kaso sa mga parak na umano’y mga bantay sa selda.
Nabatid na nakatakas ang mga bilanggo sa kasagsagan ng buhos ng ulan kamakalawa. Nakilala naman ang mga pumuga na sina Rolby Suelto, John Dela Peña, Ram Gudin at Jasper Salas na nahaharap sa ibat-ibang kaso.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa Tagum kung bakit hindi natunugan ng mga bantay ang pagtakas ng apat. Sinira umano ng mga ito ang pintuan ng kanilang selda kung kaya’t nakapuga.
Mismong bilanggo rin ang umalerto sa mga parak sa pagtakas ng kanilang mga kasamahan. Hindi naman sinabi ng pamunuan sa Tagum police kung natutulog ba ang mga parak na naka-duty doon ng maganap ang jailbreak. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News