NORTH COTABATO – “Case cleared” na kung ituring ng Special Investigation Task Group ng PNP ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Eduardo ‘Ed’ Dizon.
“Case cleared na ang nasabing kaso dahil apat na mga suspek ang tukoy na nila sa ngayon kung saan tatlo dito ay nasampahan na ng kaso sa piskalya habang patuloy namang iniimbestigahan ang isa pa,” ani PNP spokesperson Lt. Col. Bernard Tayong.
Ang mga suspek ay natukoy base na rin sa nakalap na ebidensya ng PNP mula sa mga kuha ng CCTV at mga witness sa naturang kaso. Ngunit at-large pa rin ang mga ito at kasalukuyang pinaghahanap ng batas, ayon kay Tayong.
May mga tinututukang anggulo pa rin ang PNP upang mabatid ang dahilan sa pagkakapaslang kay Dizon na tinambangan noong Hulyo 10 habang papauwi ito mula sa kanilang radio station na Brigada News FM. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates