KIDAPAWAN CITY – Itinanghal na Champion sa Dish Gardening competition ang 4H Club of Cotabato sa Regional 66th Farm Youth National Convention na ginanap sa Punta Villa Resort, Iloilo City nitong nakaraang linggo.
Ayon kay 4H Club Cot Provincial Coordinator Judy Gomez, partikular na nasungkit ni Dennis Caaya ng Midsayap 4H Club ang Championship Award sa naturang competition kung saan ipinakita nito ang husay sa gardening gamit ang bowl.
Sinabi ni Gomez na napahanga ni Caaya ang mga judges dahil sa magandang pagkaka-arrange ng mga tanim at mahusay na landscaping kaya naman tuluyan na nitong nakamit ang medalya. Maliban naman kay Caaya, nagwagi rin bilang 4th Placer sa Extemporaneous Speech si Nyl John Dano ng 4h Club ng Kidapawan City, ayon pa kay Gomez.
Ilang beses na ring namayagpag ang 4H Club of Cotabato sa mga nakalipas na national conventions kung saan naipamalas ng organisasyon ang angking talino at husay sa larangan ng agrikultura. (Ni Rhoderick Benez. May karagdagang ulat mula kay Jimmy Sta. Cruz)