
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / July 15, 2012) – Limang katao ang nasawi matapos silangb araruhinn ng isang truck na diumano’y nawalan ng preno habang palusong sa isang barangay sa Davao City sa Mindanao.
Naganap ang trahedya sa Barangay Carmen sa Tugbok district kamalawa ng hapon, ayon sa pulisya.
Patuloy rin ang imbestigasyon sa naganap at hindi pa mabatid kung maghahain ng kaso ang pamilya ng mga nasawi. Agad naman sumuko sa pulisya ang driver ng truck at sinabi nitong aksidente ang naganap.
Nangyari ang insidente di-kalayuan sa isang dump site na kung saan ay marami rin ang nasugatan dahil sa nakaladkad ng truck. Nasa pagamutan pa rin kahapon ang mga sugatan. (Mindanao Examiner)