
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / May 13, 2013) – Limang katao ang patay at 5 iba pa ang sugatan sa hiwalay na atake sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur.
Sinabi ng mga awtoridad na unang tinambangan ng 4 armado sina Roy Mendoza at Dexter Calunsag, na pawang mga tauhan ni mayoralty candidate Julieto Monding. Salary ng motorsiklo ang dalawa at pauwi ng sila ay ratratin dakong alas 10 ng umaga.
Sinundo naman ng isang pick-up truck ang mga salarin at tumakas patungong sentro ng naturang bayan.
Bago naganap ang atake ay niratrat rin ng mga armado ang isang bahay ng grupo ni Monding sa Barangay Buuan at napatay naman sina Julito Isig, Junicio Manos and Vivencio Balido at sugatan naman ang 7 iba pa na nakilalang sina Elchito Nonggong, Hernani Nonggong, Bernie Nonggong, Jimboy Bulay, Nono Kwap, Sinay Tungcasan and Domingo Siton. Kabilang sa mga sugatan ay dalawang teenagers at isang menor de edad.
Walang umako sa pamamaslang ngunit si Monding na isang incumbent councilor ay kilalang illegal miner sa Bayog, ngunit hindi naman mabatid kung may kinalaman Ito sa krimen. (Mindanao Examiner)