
Ang bahagi ng Kidapawan City na kung saan ay binaha rin at ang mga apektado nito ay nakalinya upang makakuha ng pagkain. (Kuha ni Geo Solmerano)
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / June 12, 2012) – Mahigit sa 50 pamilya ang nasagip ng mga sundalo matapos na lumubog ngayonng umaga ang isang barangay sa bayan ng Glan sa Sarangani province sanhi ng matinding flash flood bunsod ng patuloy na pag-ulan sa Mindanao.
Sinabi ng Eastern Mindanao Command sa Mindanao Examiner na nag-deploy ito ng mga tropa mula sa 1002nd Infantry Brigade at 73rd Infantry Battalion upang iligtas ang daan-daang mag sibilyan mula sa Barangay MBG Margus.
Dinala umano ang mga sibilyan sa mas ligtas na lugar habang nasa ilalim pa ng tubig ang barangay.
Nagsagawa rin ng relief operations ang militar upang matulong ang mga apektado ng pagbaha. Hindi naman agad mabatid kung may nasawi o nawawala sa naturang flash flood.
Wala rin ibinigay na pahayag ang provincial at municipal government ukol sa naturang kalamidad.
Binaha rin ang Kidapawan City at maraming kabahayan ang nasira. (Mindanao Examiner)