
LA UNION (Mindanao Examiner / Jan. 6, 2013) – Halos 500 mga inakay ng pawikan ang pinakawalan sa karagatan mula sa hatchery farm ng Coastal Under Water Resources Management sa bayan ng San Juan dito.
Ayon sa pahayag ni Regine Tibong, isa sa mga nangangasiwa ng hatchery ay halos sunud-sunod umano ang pagpisisa sa mga itlog ng pawikan sa kanilang lugar at inaasahan na sa mga darating na buwan ay inaasahan na aabot sa 1,000 ang mga itlog na mapipisa pa.
Madalas dayuhin ng mga pawikan ang kanilang lugar sa Barangay Ili Norte upang magluwal ng itlog kung kaya’t mahigpit na pinuprotektahan ng pamahalaang lokal ang mga ito.(Francis Soriano)