ZAMBOANGA SIBUGAY – Nabawi ng pulisya ang halos 5500 sako ng bigas na pinaniniwalaang ipinuslit sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ayon sa ulat ng pulisya, nasamsam kamakalawa ang 500 sako ng bigas sa isang truck na iniwan sa highway sa bayan ng Tungwan na kung saan ay isang lantsa rin na may lulang 5000 sako ng bigas ang nakumpiska.
Walang umako sa naturang kontrabando at hinihinalang iniwan ang mga ito ng matimbrihing lulusob ang pulisya sa naturang bayan.
Hindi pa mabatid kung sino ang may-ari ng mga bigas, ngunit iniimbestigahan na ng awtoridad kung sino ang nasa likod nito. Maging ang may-ari ng truck at lantsa ay inaalam na rin ng pulisya.
Ibibigay naman sa Bureau of Customs sa Zamboanga City ang mga nabawing bigas na diumano’y galing pa ng Malaysia. Naibebenta ang 25-kilong bigas sa halagang P700 lamang kung ihahambing sa lokal na bigas na P1200. (Mindanao Examiner)
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News