Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • 6 nadale sa wild mushrooms
  • Uncategorized

6 nadale sa wild mushrooms

Editor November 13, 2014
20141113054656_0
 Isa sa mga nakakalasong mushrooms.

CAGAYAN DE ORO CITY – Anim na katao ang nalason matapos na umano’y kumain ng wild mushrooms sa bayan ng Prosperidad sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Nakilala ang mga biktima na ang mag-asawang  Gerry Laroa, 39, at Emilie Laroa, 38; at mga anak na sina Jake, 12, at Jermilyn, 10. Gayun rin ang kapatid ni Emilie na sina Rexso, 28, at Eric, 16.

Nabatid na nabili lamang ng pamilya ang wild mushrooms sa isang lalaki na naglalako nito sa Purok Biyaisan sa Barangay San Joaquin kamakalawa. Niluto umano ang wild mushrooms at siyang naging hapunan ng pamilya.

Ngunit wala pang 10 minuto ay sinakitan na ng mga sikmura ang mga biktima hanggang sa magsuka ang mga ito. Naisugod sa pagamutan ang mga biktima at doon nabatid na posibleng dahil sa nakain nilang wild mushrooms kung kaya’t nalason ang mga ito.

Hindi naman agad mabatid kung anong uri ng fungus ang kanilang nakain, subali’t maraming mga mushrooms ang tumutubo sa kahuyan, lalo na kung matapos ng tag-ulan. Subali’t hindi naman lahat ng mga ito ay maaaring kainin dahil ang iba sa kanila ay mga may toxin o lason na puwedng ikamatay ng sinuman kakain nito. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Foster children can now enjoy Philhealth benefits
Next: Slain student rebel, 3 others honored by NPA in Mindanao

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.