KIDAPAWAN CITY – Pitong katao ang isinugod sa aospital matapos na makuryente ng bumagsak ang isang poste ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa kanilang sinasakyang tricycle sa Purok Macabenban sa Barangay Cuyapon sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato.
Kinilala ang mga biktima na sina Salamina Sabal, 48; Ika Lumban; Norhaman Esmael, 34; Nano Mautin Lumayong, 38; Tanbang Lumban Mangatog, 42; Lampana Lumban Daodi, 45; at Maguid Sugagul Akas, 55.
Batay sa ulat, pinara umano ng mga biktima na mga nagtitinda ng isda ang naturang tricycle na minamanehi ni Akas bandang alas-3:30 ng hapon nitong Lunes para magpahatid na bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao.
Ngunit pagdating Cuyapon ang bigla na lamang bumagsak ang poste sa ibabaw ng tricycle kung kaya’t nakuryente ang lahat. Mabilis naman natulungan ang mga ito at agad nadala sa ospital upang gamutin ang mga paso at sugat sa kanilang katawan. (Rhoderick Beñez)