DAVAO CITY – Halos 700 mga dating miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang nagtipon-tipon kahapon sa kampo ng militar sa Davao City na kung saan ay kinausap sila ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagkilala sa kanilang pagbabagong buhay.
Ito ang sinabi sa Mindanao Examiner regional newspaper ni Major Ezra Balagtey, ang tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, at galing pa umano ang mga ito mula sa lalawigan ng Agusan, Bukidnon, Surigao, Davao, Cotabato and Sarangani na kung saan sila sumuko nitong taon lamang.
Tumanggap rin umano ang karamihan sa mga ito ng tulong-pinansyal mula sa pamahalaan at ang iba naman ay kasalukuyang pino-proseso pa ang mga dokumento upang maipasok sa programang Comprehensive Local Integration Program o CLIP. Layunin nito na tulungan ang mga nagsisukong mga rebelde na makipag-bagong buhay.
“The former rebels who were from the provinces and who had surrendered their firearms to the authorities, and after undergoing verification processes are now the automatic recipients of the CLIP of the government which offers various financial and livelihood assistance,” paliwanag pa ni Balagtey.
“Among the specific benefits that each former communist rebel can get from CLIP are P15,000 financial support, another P50,000 for livelihood, and a remuneration for the surrendered firearm with an amount ranging from P12,000 to P210,000 depending on the type of firearms that they turned over to the government,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Balagtey na nasa pulong rin ang mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na kabilang sa CLIP upang sumuporta sa mga layunin ng integration program. “Various officials from different government agencies had also attended the event not only to witness but also to hold dialogues with the former communist rebels and offer talks on government’s social services, health, infra, livelihood, education, social justice and governance programs to help former communist rebels reintegrate to the society smoothly,” wika nito.
Nabatid na may mga iba na sumanib sa CAFGU militia group upang tumulong sa pagbabantay ng kanilang Komunidad laban sa NPA. “Meron mga dating rebelde ang ngayon ay CAFGU na at sila ang ating katuwang sa pagbabantay at pagbibigay ng seguridad sa ating mga kababayan at komunidad,” ani Balagtey.
Nanawagan rin ito sa NPA na magbagong-buhay na lamang kasama ang kanilang mga pamilya. Ilang dekada nang nakikibaka ang rebeldeng grupo upang maitatag ang sariling pamahalaan sa bansa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper