SULU – Nailigtas umano ng Philippine Navy ang 75 pasahero at crew ng isang lantsa matapos itong masiraan ng makina sa gitna ng karagatan sa Sulu province.
Sinabi ng militar na galling ng isla ng Pangutaran ang ML Nadzramar ng ito ay masiraan habang patungo sa Zamboanga City kamakalawa. Natagpuan ang lantsa halos 30 oras na ang nakalipas ng ito ay magka-aberya.
Dalawang patrol boats ang dinispatsa ng Philippine Navy upang hanapin ang lantsa. Nabartid na may 12 crew ito at 63 mga pasahero, bukod pa ang kargang 1,453 sako ng uling, 298 sako ng copra at 45 sako ng pinatuyong seaweeds.
Binigyan ng mga tubog at pagkain ang mga naligtas na agad dinala sa bayan ng Jolo. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper