
BASILAN PROVINCE (Mindanao Examiner / June 19, 2014) – Nadakip ng mga awtoridad ang walong mga hinihinalang drug dealers sa Basilan province at Zamboanga City at nasamsam sa kanila ang maraming mga armas at bala, gayun rin ang mga sachet ng hinihinalang shabu.
Nadakip ang mga ito Hunyo 18 ng gabi sa bayan ng Maluso matapos na lusubin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang kanilang taguan sa Barangay Port Holand.
Nabawi ang 7 mga automatic rifles, kabilang ang isang M203, mga magazines at napakaraming mga bala, dalawan digital cameras at 10 cell phones, at tatlong itak, at 17 bala ng grenade launcher.
Kabilang sa mga nadakip ay apat na mga babae at isa sa grupo ang tumatayong lider ng gang. Patuloy pa ang imbestigasyon sa mga suspek upang mabatid kung nasaan ang iba pa nilang mga kasamahan at kung saan galing ang mga droga.
Nanlaban pa diumano ang mga suspek, subali’t hindi naman umubro sa puwersa ng mga parak at sundalo.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang mga awtoridad dahil patuloy pa umano ang operasyon sa Basilan, isa sa limang lalawigan ng Muslim autonomous region. (Mindanao Examiner)