
Army patrol sa Basilan. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Oct. 26, 2012) – Walong sundalo ang sugatan matapos na bumagligtad nitong Biyernes ang kanilang sinasakyan sa highway sa Lamitan City sa Basilan province.
Patungo sana sa Isabela City ang mga tropa ng Philippine Army ng maganap ang aksidente dakong tanghali sa Barangay Santa Clara. Hindi naman agad mabatid kung bakit nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan.
Hindi rin nagbigay ng anumang pahayag ang Philippine Army o ang Western Mindanao Command ukol sa aksidente.
Isinugod sa pagamutan ang mga tropa ng militar upang malunasan ang kanilang mga sugat. (Mindanao Examiner)