
PAGADIAN CITY – Patay ang isang negosyante at sugatan naman ang isang crime watch volunteer matapos silang barilin ng isang di-kilalang salarin sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur province.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jonathan Gaviola, 27, at ang sugatan na si Eduardo Adayo. Nabatid na naglalakad pabalik ng kanyang bahay si Gaviola kasama ang kanyang mga anak ng siya ay lapitan ng isang lalaki at saka pinagbabaril sa ulo at katawan sa Tulay ng Pangulo sa Barangay Maloloy-on kamakalawa lamang.
Hindi naman nadamay ang mga anak ni Gaviola sa pamamaril, ngunit na-shocked naman ang mga ito sa nasaksihan na pagpatay sa ama.
Tinanggka naman ni Adayo – na noon ay bantay sa isang outpost ng barangay – ngunit pati siya ay binaril ng salarin.
Hindi pa malaman ng pulisya ang motibo sa pamamaslang o kung may kinalaman ba ito sa negosyo, ngunit nabawi naman ng mga parak ang 6 basyo ng bala mula .45-kalibre pistol. (Mindanao Examiner)