
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 14, 2014) – Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit sa P2 milyon halaga ng shabu sa Panabo City matapos itong ipadala sa LBC mula Zamboanga City.
Nakatago sa mga sandals na pambabae ang mga shabu, ngunit natunugan naman ng PDEA ang pagdating nito sa Panabo matapos na makatanggap ng impormasyon. Ipinadala umano ang package ng isang Antis Mariana ng Barangay Baliwasan Tabuk at kinuha ito ng tricycle driver na si Ruel Raes.
Nakipagtulungan naman ang LBC sa PDEA kung kaya’t ng kunin ni Raes ang package ay doon bumungad ang mga shabu na nakatago sa sandals.
Iniimbestigahan pa ng PDEA si Raes at kung paanong nakalusot sa Zamboanga City ang LBC package na may laman shabu. (Mindanao Examiner)
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine