
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Aug. 9, 2014) – Isang lider ng kulto sa South Cotabato ang dinakip ng pulisya matapos na umano’y ireklamo ng sariling asawa nito dahil sa pagkakaroon ng tatlo pang asawa.
Nakilala ang inireklamo na si Jessie Casianares na siyang pinuno ng grupong Apha Omega Mission o ang Una at Huling Misyon, na nakabase sa bayan ng Tampakan.
Inireklamo rin ito ng hindi pagsusustento sa kanyang pamilya at bukod pa diyan ay isinumbong rin ng babae sa pulisya ang paggamit ni Casianares ng mga bata at menor de edad sa kanyang kulto.
Dinampot ng pulisya ang lider ng kulto sa bias na rin ng arrest warrant na hiniling ng awtoridad sa korte base sa reklamo ng asawa nito. Paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang naturang kulto upang alamin kung may mga reklamo laban sa akusado na ngayon ay nakapiit sa Koronadal City. (Mindanao Examiner)