
ZAMBOANGA DEL NORTE (Mindanao Examiner / Aug. 1, 2014) – Isang sundalo ang pinatay ng di-kilalang salarin sa loob mismo ng bar sa bayan ng Sindangan sa Zamboanga del Norte province.
Ayon sa ulat ng pulisya, binaril sa kanyang mukha at dibdib ang sundalong si Corporal Medel Tabbada, 35, at miyembro ng Special Forces at detachment commander sa Barangay Bucana.
Dakong alas 3 ng madaling araw nitong Huwebes ng maganap ang pamamaril kay Medel sa Freeway Disco Bar sa Barangay Laroche at habang nagkakagulo ay kinuha pa ng salarin ang armas ng sundalo bago tumakas sakay ng isang motorsiklo.
Tubong-Kidapawan City si Medel at hindi pa mabatid kung may kinalaman ang New People’s Army sa pamamaril sa sundalo. Hindi naman agad malaman kung bakit may armas si Medel gayun mahigpit ang kautusan ng militar sa pagbabawal ng pagdadala ng baril sa loob ng mga bars o night clubs.
Ibinigay naman ang katawan ni Medel sa kanyang superior na si Lt. Syrill Fervez. (Mindanao Examiner)