
DIPOLOG CITY (Mindanao Examiner / July 6, 2014) – Isang dating CAFGU militia ang dinakip ng pulisya at sinampahan ng kasong rape matapos umano nitong gahasain ng paulit-ulit ang 10-anyos na anak-anakan sa bayan ng La Libertad sa Zamboanga del Norte province.
Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na nadakip si Richard Mag Usara, 33, matapos na ireklamo ng lola ng bata ng madatnan ang amahan na pinagsasamantalahan ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Paraiso. Wala umano ang ina ng bata ng maganap ang kahayupan ng lalaki.
Salaysay pa ng lola ay lumabas lamang ito ng bahay upang sumalok ng tubig at ng makabalik ito makalipas ng kalahating oras at laking gulat na lamang ng makita si Richard sa ibabaw ng bata. Nagulantang umano ang amahan at tumakas.
Inamin ng bata na siya ay pinagsasamantalahan ng kanyang amahan mula pa noon Abril nitong taon at tinatakot umano ng lalaki kung kaya’t hindi makapag-sumbong sa ina at lola.
Nakapiit na Zamboanga Del Norte Provincial Jail sa bayan ng Manukan si Richard, ayon kay Samuddin. (Mindanao Examiner)