
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / July 2, 2014) – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagsabog ng granada Miyerkoles ng umaga sa Cotabato City at naganap ito ilang araw pa lamang sa pagsisimula ng holy month of Ramadan.
Walang umako sa pagsabog at kinumpirma ng pulisya na isang granada ang sumambulat sa Purok Sampalok sa Barangay Bagua matapos na mabawi ang safety lever nito. Sinabi ng pulisya na walang nasaktan sa pagsabog at maaaring panggugulo lamang o pananakot ang motibo nito.
Naganap ang pagsabog kasabay ng bagong banta ng terorismo sa ilang lugar sa Mindanao, kasama na ang Cotabato City, Iligan at Zamboanga.
Naunang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino na may banta sa Davao City kung kaya’t agat naghigpit ng siguridad si Mayor Rodrigo Duterte. (Mark Navales and J. Magtanggol)