
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 18, 2014) – Tahimik pa rin ang pulisya at militar sa Tawi-Tawi at Sulu kaugnay sa ulat na pinasok na naman ng mga armado ang Sabah at dinukot ang isang Chinese fish breeder at isang empleyadong Pinoy sa bayan ng Kunak.
Maging ang Western Mindanao Command ay nagsabing ay nagsabing wala pa itong nakukuhang impormasyon ukol sa panibagong pagdukot. Wala rin impormasyon ang Malaysian authorities ukol sa mga biktimang sina Chan Sai Chiun at ang Pinoy na nakilala lamang sa alias nitong Maslan, maliban sa patungong Tawi-Tawi ang mga armadong tumakas sakay ng isang speedboat.
Wala rin umako sa pagdukot na naganap na paglusob nitong Hunyo 16 lamang, ngunit Abu Sayyaf pa rin pangunahing suspek dito.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagdukot base na rin sa ulat na ipinadala ng embahada, ngunit hindi naman nito maibigay ang tunay na pangalan ng biktimang Pinoy.
Isang Chinese fish farm manager na si Yang Zai Lin ang Dinukot rin ng mga armado sa bayan ng Lahad Datu sa Sabah nitong buwan lamang at pinaniniwalaang bihag ng Abu Sayyaf.
Noon nakaraang buwan ay pinalaya naman ng Abu Sayyaf ang dinuot nitong Chinese tourist na si Gao Huayun at Pinay resort worker na si Marcy Dayawan kapalit ng 2.2 million ringgits o halos 300 million pesos na ibingay ng pamilya ni Gao.
Dinukot sina Gao at Dayawan noon April 2 sa Singamata Adventures and Reef Resort sa bayan ng Semporna na katabi lamang ng Tawau. (Mindanao Examiner)