
Public Service Excellence Award mula sa Civil Service Commission dahil sa kanyang maraming mga accomplishment; at ng Seal of Good Housekeeping for Local Governments.(Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)
MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / June 8, 2014) – Mistulang walang kapaguran sa kanyang trabaho si Shariff Aguak Mayor Bai Zahara Upam-Ampatuan matapos nitong asikasuhin ang pagdating naman ng mga evaluators ng Department of the Interior and Local Government-Autonomous Region in Muslim Mindanao sa kanyang bayan.
May kinalaman sa “Seal of Good Housekeeping” ang pagdating ng evaluation team. Ang prestihiyosong award ay ibinibigay bawat taon sa ibat-ibang bayan, lungsod at lalawigan na mapipili ng DILG base sa criteria nito.
Si Mayor Zahara ay ilang ulit ng nabigyan ng mga ibat-ibang awards, kabilang ang Public Service Excellence Award ng Civil Service Commission dahil sa kanyang maraming mga accomplishment; at ng Seal of Good Housekeeping for Local Governments.
Kilalang peace advocate si Mayor Zahara at nasa likod ng ibat-ibang peace and development efforts sa Maguindanao. (Mark Navales at Rose Muneza)