
ZAMBOANGA CITY – Nabawi ngayon Martes ng militar ang mga pampasabog ng Abu Sayyaf matapos ng isang sagupaan sa lalawigan ng Basilan sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi ni Lt. Sally Christine Magno, ng Joint Task Group Basilan, na sumiklab ang labanan sa Barangay Kulaybato sa Lamitan City na kung saan ay natunton ng tropa dakong alas 3 ng madaling araw ang kinalalagyan ng nasabing grupo na nasa pamumuno umano ni Edris Sampang.
Umabot rin sa 5 minuto ang labanan, ayon kay Magno. Naghiwa-hiwalay umano ang mga rebelde at tumakas sa kadiliman. Walang inulat na military casualties ang opisyal, ngunit nabawi naman ng mga tropa ang isang granada at mga pampasabog at kagamitan sa paggawa ng bomba na naiwan ng Abu Sayyaf.
“We still don’t know if there were Abu Sayyaf casualties, but our operation against the Abu Sayyaf is relentless,” pahayag pa nito sa Abante.
Ibinunyag naman ni Magno na may intelligence report sila na magpapasabog ang Abu Sayyaf ng mga bomba sa Lamitan City at iba pang bahagi ng Basilan, isa sa 5 lalawigan ng ARMM.
Patuloy ang operasyon ng militar kontra Abu Sayyaf na siyang nasa likod ng maraming kidnappings at pambobomba hindi lamang sa Basilan, kundi maging ibang bahagi ng Mindanao, kabilang ang Zamboanga City. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News