MANILA – Pagdating ng Mayo 2, titigil ang ikot ng mundo. Lahat ay tututok sa MGM Grand sa Las Vegas para saksihan ang limang taong hinintay na super-fight, ang mother of all fights.
“May 2 is when the world stops to tune in to Mayweather-Pacquiao, the biggest fight in boxing history,” paniniguro ni Floyd Mayweather Jr.
Sa una at posibleng iisang press conference bago ang judgment day, sabay na nagsalita sina Mayweather at Manny Pacquiao sa Nokia Theatre sa Los Angeles kahapon.
Nag-pose silang magkasama bago ang news conference, nag-pose muli pagkatapos ng formal portion. Kalahating oras bago ang event, halos mahirap pa ring paniwalaan na sa wakas ay matutuloy ang laban.
Pareho nang nasa dulo ng career sina Mayweather at Pacquiao, at sinabi ni Mayweather na masaya siyang kasado na ang sagupaang pinaglalawayan ng publiko.
“Without everyone together, we couldn’t make this fight happen, so I have to be thankful we came together to give the world the fight they want to see, Mayweather-Pacquiao,” ani ‘Money’.
Bumigay at tumango si Pacquiao sa demands ni Mayweather para lang maikasa ang deal, mula sa gloves na gagamitin, kung sino ang unang aakyat ng ring hanggang hatian sa kita.
“I agreed with what he wanted to do to make the fight happen, 40-60,” ani Pacquiao.
Kahapon lang, iba na ang dating ng eksena sa milyong boxing fans na nag-akalang hindi na matutuloy ang laban ng dalawang best fighters ng henerasyon. Pero ayun sila, face to face, sila lang sa stage para ihayag ang laban. (Abante)
Link:http://www.abante.com.ph/sports3/boxing/24236/the-world-will-stop.html