

SULU – Umapaw ng husto ang Kapitolyo ng lalawigan ng Sulu na kung saan ay dinagsa ng napakaraming tao ang ika-38 kaarawan ni Gov. Totoh Tan na kung saan ay namahagi ito ng ibat-ibang proyekto sa mga bayan, kabilang na rin ang pulisya at ang mga mamamayan.
Pinangunahan rin ni Gov. Toto ang pamimigay ng mga kulambo at ang ibat-ibang medical at humanitarian mission sa Kapitolyo sa bayan ng Patikul at kabilang dito ang blood drive, Anti-Filariasis vaccination, ear piercing at may kasama pang libreng hikaw, eye check-up at libreng salamin sa mata at dental services na maging sepilyo at tooth paste ay libre rin.
Kabilang sa mga katuwang sa nasabing event ni Gov. Totoh ay sina Vice Gov. Sakur Tan, Dr. Fahra Omar ng Integrated Provincial Health Office at Hajja Nurunisah Tan, ng Sulu Provincial Women’s Council. Dinaluhan rin ito ng mga mayors at barangay leaders ng ibat-ibang munisipyo upang magbigay galang sa kaarawan ni Gov. Toto. (Ahl-franzie Salinas)