“KAMI ay nababahala sa mga kasalukuyang nangyayari ngayon sa Bangsamoro. Ang mga Katutubong Mamamayan ng Timog-Gitnang Mindanaw ay nangangamba na lalo pang lalala ang kaguluhan sa ating mga komunidad sakaling wala tayong gagawing pagkilos,” ayon kay Timuay Labi Sannie Bello ng Timuay Justice and Governance.
Pagkatapos ng nangyari sa Mamasapano noong Enero 25 ang tropa ng pamahalaan ay naglunsad ng “All Out Offensive” laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at pinaniwalaang terorista na si Basit Usman. Mula Pebrero 25 ng sinumulan ang opensibang militar, mahigit 130,000 sibilyan na ang nagsilikas sa kanilang mga pamayanan at patuloy na dumadami habang dumaan ang mga araw.
Ang mga pamayanan ng mga katutubo sa loob ng Maguindanao ay lubos rin apektado sa patuloy na kaguluhan. Habang naghahanda ang mga Katutubong Mamamayan sa kanilang nalalapit na ritwal, isang komunidad ng mga Katutubo sa Sitio Fute at Mari, Ahan, Guindulungan, Maguindanao ang sapilitang pinalilikas ngayon dahil pinaghinalaan na may nagtatagong mga BIFF sa kanilang komunidad ngunit ito’y kanilang pinabulaanan na hindi totoo.
“Sa mga nagdaang panahon, marami ng pagkakataon na nagkaisa ang mga Katutubong Mamamayan sa Timog-Gitnang Mindanaw sa pagsagawa ng ritwal para sa isang layunin at nagbunga naman ito ng maganda,” paglalahad ni Datu Roldan “Brunz” Babelon ng Gempa te Kalindaan nu Kamal ng Erumanen ne Menuvu sa North Cotabato.
Dahil dito, ang mga Katutubong Mamamayan ng Timog-Gitnang Mindanaw na kinabibilangan ng Téduray at Lambangian ng Maguindanao at Sultan Kudarat at Erumanen ne Menuvu ng Lalawigan ng North Cotabato ay nagka-isang magsagawa ng sabayang Katutubong Ritwal sa bawat fenuwo (village) ngayong ika-28 ng buwan ng Marso upang hilingin ang tulong ng Dakilang Lumikha na magkaisa ang lahat ng Mamamayang Pilipino para sa kapayapaan sa Timog-Gitnang Mindanaw at sa buong Pilipinas at ipatuloy ang pagsulong sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at MILF sa pamamagitan ng pagpasa ng pangkalahatan at makatarungang Bangsamoro Basic Law (BBL).
“Naniniwala kami na ang mga Katutubong Mamamayan sa lahat ng panahon at lalo na kapag kaharap ng anumang krisis ay kailangang lumapit sa Dakilang Lumikha …at ito ang aming nakitang tugon sa mga kasalukuyang krisis sa ating mahal na Mindanaw. Kasama sa aming panalangin na pakinggan ang aming mga minimithi at kahilingan na isali sa binabalangkas na Bangsamoro Basic Law ang kalipunan ng mga batas na magpo-protekta sa karapatan ng mga katutubong mamamayan sa aming pagkakalinlan, lupaing ninuno at sariling pamamahala,” dagdag ni Timuay Labi Bello.
“Dahil napaka init ng mga kinaharap na usapin ng Timog-Gitnang Mindanaw sa kasalukuyan, ang sabayang ritwal ay gagawin eksaktong alas dose ng tanghali ngayong Marso 28,2015. Ito ang munting mai-ambag ng mga Katutubong Mamamayan upang makamtan ang tunay at makatarungang kapayapaan na hinahangad ng bawat mamamayan sa Bangsamoro, sa Mindanaw at sa buong Pilipinas, ” paglalahad pa ni Orlando “Rendaw” Mosela, Punong Bilyan ng Timuay Justice and Governance.
Tinatayang mahigit isang libong mga katutubo ang sasama sa katutubong ritwal na sabay na gaganapin sa iba’t-ibang bahagi ng Teritoryong Ninuno ng mga Téduray at Lambangian, sa mga komunidad ng Tuladan sa Sitio Kiféng-féng, Darugao, Upi; Kansad Gadung sa Sitio Lahangkéb, Rempis, Upi; Mirab, Upi; Nuro, Upi; Sitio Rakéf, Blensong, Upi; Fénuwo Burut; Fénuwo Gédan; Fénuwo Bénahaw; Fénuwo Babat; Pedro Colina (P. C.) Hill sa Cotabato City; Sitio Balalaén sa Mompong, Datu Odin Sinsuat; Sitio Brow, Matuber, Datu Blah Sinsuat; Sédém, Datu Blah Sinsuat; Lamud, South Upi; Sitio Refra, Looy, South Upi; at Sitio Bénuan, Kuya, South Upi, lahat sa Lalawigan ng Maguindanao at Sitio Pangawan, Bulibak, Lebak Sultan Kudarat.
Samantala sa teritoryo ng Erumanén ne Ménuvu, ito ay gaganapin sa mga Lupaing Ninuno sa mga Bayan ng Carmen katulad ng: Manobo Village, Kitulaan, Luuk-Aroman, Crossing Tugas, Bunuwang, Sungayan, Lelewigan, Kilala, Rinurugan, Kiulambey, Kilavew, Misupa, Mirakurak-Lagpan, Tumahak, Ki-evud, Meulantew, Kituved, Kumerit, Bintangan, Gawasan, Kiaring, Malugasa, Kalusisiyen, Atras, Kirusa, Pelenti-en, Abanti, Rumahangrang, Neluvasan-Campo, Tagimtim, Dinaag, Pagalungan, Minlayin, Keyumangen, Pedlembiren, Cadiis, Kivalis, Tambad, (Nigan-Surung) Malapag, Marani-Lower, Marani-upper, Pinengerutan, Dalagingan, Bekbaken, Sendaan, Beruyen, Kewilawen, Puntur te Belala, Mekebinban 1, Pikit, Aleosan, (Bituka, Salunayan, Upper Bulanan, Arizona, Milaya, Malamote, Kimagango) Midsayap, (Simbuhay, Tamped, Dilutan) Kabacan, (Buluan, Lebpas, Datu Inda, Sundungan, Lamalama, Kipentawen, Tinayong, Batobato, Kimahuring) President Roxas, Libungan .
At Pigcawayan sa Probinsiya ng North Cotabato pati sa mga nayon ng: Behukanen, Kememeenan, Meysa, Geri-Matampay,Husayan, Malinao, Baroy, Pidlenggavan-Mabuhay, Kabagyangan, Beu-uwen, Kezingag, Kizelug, Kisawi, Kimanait, Sinilu-an, Inlansang, Maulawi, Kipaducan, Dimakiling, Barandias, Bang-bang, Ki-inura, Lantey, Adtoyon, San Miguel, Betangan, Makew, Mibedtzan, Makatiak, Penluyungen, Marak; Munisipyo ng Kalilangan, Pangantucan, Kadingilan, (Inator, Enepuwan, Kalewkalew, Puwalas, Imbayew, Denggawan); Don Carlos, (Kiuraw, Rumagook, Old Kibawe, Pinamula, Sanipon, Mikasili) Kibawe, (Kimaya, Negevaan, New Visayas, Mintubukan, Miyaray, Kapalaran, Tagungtong) Dangcagan, (Kauyunan, Malobalo, Kaulamiyan, Bulakawon) Kitaotao, Quezon at (Angga-an, Basag, Omonay, Sarawagon, Tangkulan, Tukod) Damulog sa Probinsiya ng Bukidnon. (Via Lanog Mindanao)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News